JRU at UPHSD nanguna sa NCAA Season 99 Track and field championship Senior at Junior division

Nangibabaw ang galing ng mga atleta mula sa iba’t ibang unibersidad sa NCAA Season 99 Track and Field Championship.

Itinanghal na champion sa senior division ang Jose Rizal University matapos makakuha ng 826.55 points.

Second Place naman ang MAPUA University na may 584 points. Habang 3rd place naman ang Arellano University sa score na 540 points.

Kinilala bilang most valuable player sa Senior division si Federick Ramirez ng JRU.

Sa Junior division naman ang University of Perpetual Help System Dalta ang itinanghal na overall champion na nakakuha ng 804.5 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *