China – pumalag sa mga panawagang patalsikin ang mga Chinese diplomats sa bansa

Sinabihan ng China ang Pilipinas na itigil na ang mga ‘provocations at infringemnents’ sa gitna ng panawagan ng bansa na paalisin na sa bansa ang mga Chinese diplomats dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling balita.

Giit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian, ang ginawang tugon ng Pilipinas ay nagpapakita lang umano ng ‘guilty conscience’ na harapin ang katotohanan, at kung gaano kagalit at kadesperado na ang bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bwelta ni Lin – kailangan nang itigil ng pamahalaan ang pagde-deny ng mga facts, at hindi na rin dapat ito gumawa ng ‘reckless move’ na makaaapekto lang din sa sarili nito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na naglabas ng pahayag kahapon si National Security Adviser Eduardo Año kung saan sinabi nitong hindi dapat palampasin na lang ng gobyerno ang mga taong nasa likod ng pinakakalat na ‘phone call’ umano sa pagitan ng opisyal ng bansa at ng Chinese diplomant.