DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 10-anyos na estudyante sa South Cotabato

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na estudyante sa Tupi, South Cotabato.

Matatandaaang pinatay ang biktima, habang pauwi lang sana mula sa kaniyang paaralan.

Ayon sa DepEd – walang puwang sa ating lipunan ang mga ganitong uri ng karahasan.

Umapela rin ang Kagawaran sa mga otoridad na paigitingin pa ang seguridad, at kaligtasan mga komunidad.

Nagpasalamat naman sila sa PNP para sa mabilis na pagresponde sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *