China – nangangamba sa ‘baseless attack’ mula sa PH, Amerika at Japan

Muling kinundena ng China ang naging trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, at ng Japan.

Ayon sa Chinese Embassy – nababahala sila sa pangingialam ng dalawang bansa, lalo na ang Amerika na ‘di naman daw kabahagi ng rehyon.

Anila – ang naganap na trilateral meeting ay isa umanong ‘platform’ para sa paglulunsad ng mga pag-atakeng walang basehan.

Sabi ng China – ginagatungan pa raw ng Amerika’t Japan ang tensyon, at pinalalala pa ang sitwasyon.

PBBM, muling nilinaw na walang tina-target ang trilateral meeting

Muli naman tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na walang pinatutungkulan at tina-target ang katatapos lang na trilateral meeting sa pagitan niya, US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Sabi ni Marcos – walang ano mang bansa, estado, o teritoryo, na dahilan ng pagpupulong.

Wala rin umanong recent situation na pinag-ugatan kung bakit nagkaroon ng makasaysayang trilateral meeting ang tatlong mga bansa.

Aniya – bagama’t may natalakay na mga usaping may kinalaman sa security at defense – hindi ito ang pangunahing naging punto ng kanilang joint statement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *