Ika-5 na linggong taas-presyo sa produktong petrolyo – namumuro sa susunod na linggo

Namumuro na naman ang oil price hike sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng oil industry sources, maglalaro sa P0.80 hangagang P1.00 ang itataas sa kada litro ng diesel.

Mayroon ding inaasahang P0.20 hanggang P0.40 na umento sa kada litro ng gasolina; at P0.70 hanggang P0.90 na dagdag sa kada litro ng kerosene.

Kapag natuloy – ito na ang ika-limang price hike sa gasolina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *