PBBM – pinalilinaw sa Duterte admin ang ‘gentleman’s agreement’ kasama ang China

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na malinaw na isang ‘secret deal’ ang naging gentleman’s agreement sa pagitan ni dating pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Ayon sa Pangulo – wala naman daw talaga silang nakitang ganitong kasunduan nang mag-transition ang kaniyang administrasyon.

Aniya, kailangan daw linawin ng Duterte adminsitration kung ano ang laman ng agreement na ito.

Sabi ng Pangulo – maliwanag na may tinago kaya kailangang malaman kung ano ang kinompromiso ng ating Gobyerno.

Ang ‘di niya pa raw maintidihan – ‘experienced lawyer’ naman daw si Duterte.

Dahil dito, nagtataka raw siya kung bakit wala man lang kasulatan hinggil sa usapan, walang video, at wala ring announcement.

Ngayon – handa raw slang direktang mag-usap ni Duterte.

Kahit daw ‘di na ipadaan pa sa DOJ, at DFA, dahil maaari nila itong personal na upuan at talakayin.

Sa kabila nito – dinepensahan ni Marcos ang pananahimik ni Vice President Sara Duterte sa isyu.

Sabi ng Pangulo – ‘di naman daw ito trabaho ni VP Sara daihl ang kaniyang role ay bilang Bise Presidente, at Kalihim ng Department of Education.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *