China, nalampasan na ang 1-billion target nito para sa full vaccination

Lampas na sa 1.01-billion ang bilang ng mga tao na fully vaccinated na kontra COVID-19 sa CHina.

Gayunman, dahil sa mas nakahahawang Delta variant ay patuloy pa rin nahaharap sa hamon ang China para sa layunin nito na makamit ang herd immunity.

Sinabi ng isang opisyal ng National Health Commission na nasa mahigit 2.16-billion doses na ang na administer sa mahigit 1-billion na tao.

Mula sa kabuoang bilang ng mga naturukan, ay naibigay ang 170-million doses sa 95-million na teenagers habang nasa 390-million doses naman ang napunta sa mga tao na lampas sa 60 ang edad.

Ibinida naman ng China na ito na ang nangunguna sa buong mundo pagdating sa kabuoang bilang ng doses na naipamahagi sa mga tao, habang isa na rin ito sa mga bansa na may pinakamataas na vaccination rates.