Target ng gobyerno na makumpleto ang pagpapabakuna ng 20-milyong indibidwal bago ang katapusan ng Setyembre.
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nagawa ng Pilipinas sa ngayon na makapag-administer ng mahigit 40.5-million COVID-19 vaccine doses.
Dagdag niya, tinatayang umabot na sa 17.97-million na katao ang maituturing na fully vaccinated na sa bansa.

Ipinunto ni Galvez na nasa 421,606 ang daily average vaccination rate ng Pilipinas.
Nitong September 16 naman, ay nasa 4.2-million o humigit-kumulang 51% ng senior citizens ang tapos na sa pagpapaturok ng bakuna.
Mababatid na layon ng gobyerno na mabakunahan ang 70-milyong katao bago matapos ang taon, na kinakailangan para makamit ang herd immunity, at ligtas na mabuksan muli ang ekonomiya.