Pasok na ang San Miguel sa quarterfinals ng 2021 PBA Philippine Cup matapos nitong dominahin ang Phoenix sa score na 110-80.
Umangat ang record ng Beermen sa 6-3 habang lalo naman napalapit sa elimination ang Fuel Masters matapos ang pagbaba ng win-loss card nito sa 4-7.
Sa first half pa lang ng laro na ginanap sa Bacolor, Pampanga, ay nanguna na ang Beermen sa score na 55-47.

Lalo pa itong lumawak sa second half kung saan ay umabot ito sa 85-59 bago ang papagsok ng laro sa fourth quarter.
Umabot sa 37 points ang pinakamataas na lamang ng Beermen matapos nitong gumawa ng 19-4 run na nagtapos sa three-pointer ni Von Pessumal.
Naitala ni CJ Perez ang game-high 24 points, five rebounds, at four assists para pangunahan ang Beermen.
Mababatid na kinailangan ni Perez na palitan si Terrence Romeo matapos nitong magtamo ng injury sa kanang paa sa maagang bahagi ng laro.