China, nagpakawala ng flare sa mga ruta dadaanan ng Philippine Air force sa WPS

Umabot na sa himpapawid ang pangha-harass ng China sa mga sundalong Pilipino na nagpa-patrolya sa West Philippune Sea.

Ayon sa Philippine Airforce, nagpakawala ng flare ang Airforce ng China sa ruta ng mga eroplano ng Philippine Airforce na nagpapatrolya sa Bajo de Masinloc.

Hindi naman nasaktan ang crew at piloto pero namiligro umano sila sa mapanganib na ginawa ng China.

Kinondena naman ng Philippine Airforce ang mapanganib na ginawa ng mga piloto ng China. Nireport na aniya nila ito sa Department of Foreign Affairs.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Mariin ding kinokondena ni Pangulong Ferdinand Marcos JR. ang nangyari  pangha-harass ng China.

Dagdag pa ng palasyo ngayong hindi pa napapakalma ang tensyon na nakakabahala dahil posibleng may instability na sa air base.

Nandigan naman ang palasyo na patuloy na susunod ang Pilipinas sa diplomasya at pagresolba sa gusot.