Muling nanawagan ang National Task Force for the West Philippine Sea sa China na itigil na ang provocative at mapanganib na aksyon sa West Philippine Sea.
Ang panawagan ng NTF-WPS ay kasunod ng panibagong insidente ng pagpapakawala ng flares ng China mula sa Zamora reef, isa sa kanilang militarize reclaimed island na nasa loob ng territorial sea ng Pag-asa island.
Nangyari ang pagpapakawala ng flares sa kasagsagan ng maritime domain awareness flight ng BFAR Cessna 208B noong August 22.
Bago ito, napaulat din noong August 19,
ang panghaharass ng Chinese fighter jet 63270 ng People’s Liberation Army Air Force sa parehong eroplano ng BFAR habang nagsasagawa ng MDA flight sa Bajo de Masinloc.
Ilang beses na nag-deploy ng flares ang Chinese fighter jet sa napakadelikadong distansya na humigit-kumulang 15 metro mula sa BFAR aircraft.
Ayon sa NTF-WPS, nananatiling matatag ang Pilipinas palakasin ang maritime domain awareness sa loob ng ating teritoryo, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award.