Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ginawang pagsuspinde ng Palasyo kay Abra Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos.
Dahil daw ito sa naging utos noon ni Bernos na i-lockdown ang isang hospital noong sya ang umaktong gobernador sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Ipinataw ang suspension kaugnay sa umano’y abuse of authority sa ilalim ng local government code at ang pagiging conduct unbecoming of a public officials base naman sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Magtatagal ang suspension order ng 18 buwan.
Samantala, naniniwala naman si Abra Vice Governor Bernos na politically motivated ang suspension laban sa kanya.