Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na tuluy-tuloy ang paghahanap kay dismissed mayor Alice Guo at sa kapatid nitong si Wesley.
Kasunod nga ito ng naging pagpapa-uwi sa kapatid ni Alice na si Shiela; at kay Cassandra Li Ong na iniuugnay sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval – sa ngayon ay may indikasyong nasa Indonesia pa rin si Alice.
Maigtin din umano ang paghahanap dito ng BI, pati na rin ng counterparts nila sa Indonesia.
Dahil dito, naniniwala silang mata-track down na rin sina Alice at Wesley para mapabalik dito sa bansa.
Sa kanila umanong pagsisiyasat, lumabas na posibleng ang magkakapatid na Guo, pati si Ong ay sabay-sabay na pumuslit ng bansa.
Base ito sa luggage tag at travel history.