China, inakusahan ang Pilipinas na nang-uudyok para mapalala ang sitwasyon sa SCS

Inakusahan ng China ang Pilipinas ng patuloy na pang-uudyok at pagpapalala ng tensyon sa South China Sea kasunod ng insidente sa pagitan ng Philippine Navy at China Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Mababatid na sinabi ng Chinese state media na nanutok ng baril ang mga sundalong Pilipino sa coast guard ng China.

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang akusasyong ito. Naglabas din sila ng video bilang patunay na inagaw ng China ang pagkain at supply na para sana sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa AFP, sa apat na batch ng pagkain at gamot na ibinaba sa BRP Sierra Madre, tatlo ang nakuha ng mga Pilipinong sundalo at isa ang naagaw ng CCG.

Sinabi pa ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, gumamit na sila ng airdrop sa pagkakaakalang hindi na magkakaroon pa ng harassment mula sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *