2, 000 puno, itinanim sa Brgy. Odicon, Pasacao, Camarines Sur, bilang pagsisimula ng World Environment Month

CAMARINES SUR – 2, 000 iba-ibang puno, gaya ng langka, pili, rambutan, fruit berry at ilan pa, ang itinanim ngayon sa Barangay Odicon, Pasacao, Camarines Sur, bilang pagsisimula ng World Environment Month.

Ito ay pinangunahan ng AKO Bicol, na isa rin ito sa mga prayoridad nila bilang pakiki-isa na mapangalagaan ang kalikasan, kasama ang Lokal na Pamahalaan, Barangay Council, at dinaluhan ng Camarines Sur Police Provincial Office, Pasacao Bureau of Fire Protection, Pasacao Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, at iba pa.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa panayam kay Francine Rubio, Barangay Sangguniang Kabataan Chairman, malaki ang pasasalamat nila sa pagkakapili ng barangay na pagtaniman ng mga puno dahil malaki ang kapakinabangan nito sa kalikasan, kapalit o dagdag na rin ito sa mga nabawas na puno matapos ang road widening, at isa rin ang barangay sa mga binabahang lugar sa bayan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon naman kay Municipal Councilor ng LGU, at Committee Chairperson ng Environment, Melinda Sambajon, upang masiguro na mapangalagaan ito at hindi masayang lalo na’t mga namumungang mga puno na maaari ring makain, may regular na magmomonitor sa mga itinanim at panawagan na rin nitong maging responsable ang bawat isa at pangalagaan ang kalikasan.