Apat na bihag sa Gaza na dinukot ng Hamas, patay na – ayon sa Israel

Inanunsyo ng Israel ang pagkamatay ng apat na bihag sa Gaza na dinukot ng Hamas noong Oktubre.

Kinilala ang mga nasawi na sina Chaim Peri, Yoram Metzger, Amiram Cooper, at Nadav Popplewell.

Ayon kay IDF spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari, base sa kanilang nakalap na intelligence sa mga nakalipas na linggo, napatay ang 4 habang magkakasama sa lugar ng Khan Younis sa southern Gaza nang maglunsad ng operasyon ang Israel doon laban sa Hamas.

Sa kasalukuyan umabot na sa 1,200 katao na ang napatay ng Hamas at dinukot ang 251 bihag sa pag-atake ng Palestinian Islamist group sa katimugang bahagi ng Israel.

Pumalo naman sa 36,470 katao ang nasawi sa Gaza sa loob 8 buwan ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *