China, iginiit na ‘inocent passage’ ang panghihimasok ng navy ship nito sa Sulu Sea

Nanindigan ang Chinese government na alinsunod sa international laws ang panghihimasok ng isa sa mga navy ships nito sa Sulu Sea.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ginamit lamang ng Chinese naval vessel ang right to innocent passage nito sa Philippine waters, na pinapayagan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Iginiit ni Zhao na “safe” at “standard” ang naganap na Chinese passage.

Umaasa naman ang China na titingnan ito ng magkabilang partido sa objective at rational na paraan.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Matatandaan na nagpasa ng diplomatic protest ang Pilipinas matapos maganap ang insidente mula January 29-February 1, 2022.

Pinatawag din ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian