Iminungkahi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa gobyerno ang pagpapatupad ng four-day workweek para makatipid sa petrolyo at maibsan ang gastos ng publiko sa gitna ng serye ng oil price hikes.
Sinabi ni Chua, na namumuno rin sa National Economic and Development Authority (NEDA), na dapat magtipid sa enerhiya ang bansa sa pamamagitan ng paglimita sa mobility ng mga empleyado sa apat na araw.
Pero ayon kay Chua, pwedeng madagdagan ang oras ng trabaho kada araw.
Inihayag ni Chua na nagawa na ito ng bansa noong 1990s sa panahon ng Gulf War at noong 2008 dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Naniniwala rin ang kalihim na makatutulong ito upang ma-manage ang ekonomiya ng bansa.
Pabor naman si Energy Secretary Alfonso Cusi sa nasabing suhestyon.
