Natukoy na suspects sa kaso ng mga nawawalang sabungeros, umakyat sa 8 – Año

Inanunsyo ng Philippine National Police na umakyat sa walo ang bilang ng mga natukoy na suspects na may kinalaman umano sa pagkawala ng mahigit 30 nawawalang sabungeros.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nangangalap lamang ng sapat na ebidensya ang mga otoridad bago ito ilapit sa korte.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Ipinunto ng kalihim na sa tulong ng warrant of arrest ay hahanapin ng mga otoridad ang mga suspek upang mabigyang linaw na ang isyu ng mga nawawalang sabungeros.

Dagdag ni Año, titiyakin nila na meron mapapanagot sa mga insidente ng pagkawala.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Noong March 4 ay una nang inanunsyo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na nakilala ng isang testigo ang anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungeros sa Manila Arena sa Sta. Ana.