Cedric Lee, aapela sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro

Aapela raw sa Court of Appeals ang negosyanteng si Cedric Lee kaugnay ng hatol na guilty ng Taguig Regional Trial Court sa kasong serious illegal detention na isinampa ng TV host na si Vhong Navarro.

Ayon kay Lee, wala raw ang elements ng crime at kung iisa isahin ang elements ng illegal detention ay hindi raw ito pasok.

Dagdag pa niya, hindi naman daw nila kinulong si Navarro ng 3 araw kundi ilang minuto lamang para dalhin ito sa pulis.

Hindi rin daw nila ito sinaktan at mismong doktor na ni Navarro ang nagtestify.

Wala rin umanong ransom at si Navarro mismo ang nag offer na magbayad ng damages sa Police Station.

Samantala, pinag aaralan na rin ng mga kaanak ni Deniece Cornejo ang posibilidad na iapela ang hatol ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *