Pangha-harass ng China sa Pilipinas sa WPS, hindi matitigil – maritime law expert

Naniniwala si Maritime Law Expert Atty. Jay Batongbacal na hindi matitigil ang ginagawang karahasan ng China sa mga barko ng Pilipinas, kasunod ng pinakabagong insidente ng water bombing sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng Brigada News FMManila kay Batongbacal, sinabi nitong magtutuloy-tuloy ang China sa pag-atake hanggang hindi sumusuko ang Pilipinas.

Samantala, binigyang-diin din ng eksperto na hinihintay lang ng China na gumanti na ang mga Philippine vessels, sa gitna ng mga pagha-harass ng Chinese Coast Guard.

Sa sandaling mangyari raw kasi ito, magkakaroon na ng ‘excuse’ ang Beijing sa mas marahas nilang aksyon.

Sa huli, sinabi ni Batongbacal na baka nababahala na ang China dahil maraming bansa ang pumapanig sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *