Denepensahan ni Cebu Governor Gwen Garcia ang relieved Cebu Police Provincial Office (CCPO) chief mula sa umano’y “public shaming” at akusasyon ng pamumulitika ni Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Ayon kay Garcia, hindi na sana siya magkokomento sa pagkakatanggal kay dating CCPO director Police Col. Engelbert Soriano, dahil naiintindihan umano niya ang tenure ng officers sa PNP.
Pero giit ng gobyernador, na nakuha ng kanyang atensyon ang pamamahiya sa publiko at umano’y unceremonious removal kay Soriano mula sa pwesto.

Giit nito, na ang lahat ng mga uniformed personnel sa PNP, basta’t sila ay nagtatrabaho na pasok sa batas, ay deserve ng lahat ng respeto kahit mula sa OIC PNP chief gaya umano ni Lt. General Vicente Danao.
Matatandaan na si Soriano ay na-relieve sa pwesto noong June 12, isang araw matapos itong maglabas ng pahayag na sumusuporta sa kautusan ni Garcia na nagluluwag sa pag-gamit ng face masks sa probinsya. //MHEL PACIA