Bus operators, humiling rin ng fare hike sa harap ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis

Nanawagan na rin ang mga bus operators para sa fare increase sa harap ng tumataas na presyo ng langis, matapos na aprubahan ng gobyerno ang temporary jeepney fare hike.

Kaugnay nito, naghain ang tatlong asosasyon ng bus operators ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itaas ang pamasahe sa pagitan ng P0.30 hanggang P0.50 per kilometer, depende sa klase ng bus.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ang mga petitioners ay kinabibilangan ng Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, at Samahang Transport Operators ng Pilipinas Inc.

Ayon kay Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan, na ipinanunukala nila na ang pasahe sa bawat susunod na kilometro ay itaas sa P2.50 para sa “regular” air-conditioned buses, mula sa kasalukuyang 2.20.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hinihiling rin nila ang per-kilometer rate na P2.60 para sa “deluxe” buses; P2.70 para sa “super deluxe” o yung may bathroom sa loob; at P3.60 para sa “luxury” buses na may mayroong less than 30 seats. //MHEL PACIA