Catch-up, community-based immunization sinimulan na ng DOH 12

KORONADAL CITY- SINIMULAN na ng Department of Health o DOH 12 ang catch-up routine immunization activity sa mga sanggol at community-based immunization para sa mga school-age children. Ang kick-off ceremony kamakailan lamang ay isinagawa sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Ayon kay DOH 12 immunization program manager Dr. Edvir Jane Montañer na layunin nito na mapaigting ang vaccine coverage sa mga kabataan may edad isang buwan hanggang 23 months, 6 hanggang 7 taon at 12 hanggang 13 anyos lalo na’t bumaba sa 67% ang immunization coverage sa mga kabataan sa rehiyon noong 2020 dahil sa COVID 19 pandemic.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Sa mga batang may edad na hanggang 12 buwan, kailangang makatanggap ang mga ito ng 1 dose ng BCG, 3 doses ng pentavalent vaccine, 3 doses ng oral polio vaccine o OPV, at 2 doses ng MMR o measles, mumps at rubella upang maging fully vaccinated.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Ang community-based immunization ay magbibigay naman sa mga school-age children ng measles rubella, tetanus, at diphtheria (MrTd) vaccine sa mga may edad 6 -7 years old at 12 to 13 years old at human papillomavirus (HPV) vaccine sa mga eligible nga mga kabataan.