5 Patay sa massacre sa isang pamilya sa Milaor Camarines Sur

NAGA CITY – Sunod-sunod na putok ang narinig ng mga residente sa Zone 1, Brgy. Tarusanan Milaor, Camarines Sur pasado alas-5 Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Milaor napag-alaman na habang nasa loob ng magkatabing tahanan ang isang pamilya, pumasok ang suspek ,nag-paulan ng bala at nasawi ang 72-anyos nang si Romeo de Leon na noon ay nanood ng TV at kaanak na 21-anyos na si Samuel Cobilla Jr y De Leon, sa kabilang bahay.

Lumalabas pa sa imbestigasyon ng PNP na naubos umano ang dalawang magazine ng M16 riffle na dala ng suspek na tumama sa mga biktima. Sa Follow up interview ng Brigada News FM Naga kay PCpt. Rosalinda Moises , OIC ng Milaor PNP, sinabing ang suspek dito ay ang kaanak na si Arturo De Leon Y Nullan na tinukoy ng mga nakasaksi at CCTV footage nakasuot ng camouflage na uniporme.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nang humupa ang putok, laking pagkataranta at pagkatakot ng mga nakakita sa pamilya dahil nasugatan at duguan din ang apat pang mga menor de edad.

Sa opisyal na ulat ng PNP Bicol, sinabing nasawi ang 4-anyos na si Robbie John at 6-anyos na si Hobbie John Britanico at Noela Agliones Y De Leon. Malubha naman ang lagay ng isa pang menor.

Tinapunan rin ng suspek ng Granada ang kusina ng bahay at natamaan sa pagsabog nito si Noela.

Tumakas ang suspek, kaagad na nagsagawa ng choke point ang mga himpilan ng pulisya sa mga kalapit bayan.

Salaysay ng ina ni Cobilla na si Ginang Luzviminda nang marinig nila ang putukan sa katabing bahay kaagad silang nagtago sa kwarto subalit tila desido ang suspek na ubusin ang mga naroroon, sinalo ni Cobilla ang bala natatama sa ibang mga bata.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nakaligtas ang Ina ni Cobilla at 5-anyos pang bata na nakatago sa kwarto pati ang asawa ng 72-anyos na De Leon na si Norma na nasa ikalawang palapag nang mangyari ang insidente.

Sinabi pang, dati nang may banta sa pamilya dahil sa away sa lupa.

Hustisya ang sigaw ng pamilya.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar :

“Nakakalungkot at nakakagalit ang ginawang pamamaril sa isang pamilya sa Camarines Sur kung saan dalawa sa apat na namatay ay mga bata at dalawang bata pa ng nasagutan,

Dahil dito, nagbigay na ako ng kautusan sa RD ng PRO5 na kilalalanin at hulihin ang sinumang nasa likod nito sa lalong madaling pahanon.”