BNFM BICOL—Inihayag ni Catanduanes State University President Dr. Patrick Allain Azansa na hindi pa handa ang kanilang unibersidad sa pagpapatupad ng limited face to face classes, sakabila ng pahintulot ng Malacañang.
Ayon kay Azansa, nais ng kanilang pamunuan na i-prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante at guro lalo na ngayong na detect na rin ang COVID-19 Delta variant sa lalawigan at patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Sakabila nito, aminado ang opisyal na nasimulan na rin nila ang mga kaukulang hakbang sa pagsasagawa sana ng limited face to face classes ngunit 38% pa lamang sa kanilang mga empleyado ang fully vaccinated.
Katumbas ito ng 316 pa lamang na mga empleyadong fully vaccinated na kontra COVID-19, mula sa kabuuang 827 na staff ng paaralan.
Dagdag pa nito, sisiguraduhin muna ng institusyon na makamit ang higher level ng herd immunity bago i-konsidera ang pagpapatupad ng limited face to face classes.
Matatandaan na ang CatSU ang kauna-unahang unibersidad sa Bicol na pinahintulutan ng DOH na mag organisa ng vaccination roll out, katuwang ang Provincial Health Office at iba pang health sectors sa islang lalawigan.###