BICOL—Pumalo na sa 22,431 na mga Bicolano Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa iba’t-ibang bansa ang napauwi sa kanilang mga probinsya sa Bicol sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol, dumaan sa kaukulang proseso ang mga returning overseas Filipinos kung saan nakapagsumite sila ng mga kinakailangang dokumento para sa maayos na pag-uwi sa rehiyon.
Sa kanilang datus, 8,946 sa mga napauwi ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur; 6,062 sa Albay; 3,080 sa Sorsogon; 2,211 sa Camarines Norte; 1,442 sa Masbate at 690 sa Catanduanes.
Kaugnay nito ay inanunsyo ni Alzaga na patuloy pa rin ang kanilag opisina sa pagtanggap at pagproseso ng aplikasyon ng mga OFW na nais nang makauwi ng bansa ngayong nasa gitna ng pandemya ang buong mundo.### || slm