Catanduanes, nakatakdang isailalim sa Alert level 4 simula ngayong Miyerkules

BNFM BICOL—Nakatakdang isailalim simula ngayong darating na Miyerkules, November 17, ang islang lalawigan ng Catanduanes sa Alert Level 4 batay sa naging anunsiyo nitong Sabado ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ito ay batay na rin sa naging pagpapasya ng National IATF bunsod ng patuloy pa ring pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa ilalim ng naturang Alert Level, mahigpit na ipapatupad ang ilang mga protocols kagaya ng pagbabawal sa mga edad 18-anyos pababa at 65-anyos pataas na lumabas ng kanilang bahay, pati na rin ang mga indibidwal na may immunodeficiences, mga buntis, at ang mga may comorbidities.

Tanging 30% capacity lamang ang pahihintulutan para sa mga religious gatherings sakabila ng vaccination status ng mga mananampalataya; papahintululutan naman ang pagsasagawa ng lamay sa kondisyong ekslusibo lamang ito para sa pamilya ng namayapa.

Maaari din ang dine-in services sa mga restaurants at kainan ngunit tanging 30% lang ng maximum capacity nito ang papayagan.

Tatagal hanggang November 30 ang pagkakasailalim ng Catanduanes sa Alert Level 4 habang batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, umabot na sa 2,632 ang kabuuang kaso ng sakit sa probinsya kung saan 357 sa mga ito ang aktibong kaso.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *