CASURECO II hiningi ang pag unawa ng mga member consumer sa dagdag singil sa kuryente

NAGA CITY- Umani ng negatibong komento, kamot-ulo ang mga member consumers ng Camarines Sur II Electric Cooperatives o CASURECO II sa nakikitang ipapataw na dagdag singil.

Ang power rates ngayong Hunyo at Hulyo o maaari pang umabot sa Agosto ay posibleng tumataas hanggang sa P1.00 per kilo watt hour.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay CASURECO II Spokesperson Rinner Bucay sinabing ito ay dahil na nga sa mataas na demand  dulot ng  init ng panahon at kakulangan ng supply sa buong Luzon dahil ng Emergency Maintenance (Unscheduled) Activities ng ilang power plants.

Kaugnay nito hinihingi ng kooperatiba ang pag-unawa ng publiko ngayong mahal din ang bentahan ng kuryente. Maging sila kase ay humihiling na na kumapal na ang supply.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa huli sinabi ni Bucay na, nasa mga member consumers din naman ang pagtitipid o di kaya ay sistematikong paggamit na siyang makatutulong upang hindi maging abnormal ang supply ng kuryente.