Isang barangay sa Bagamanoc, Catanduanes isinailalim sa 2 linggong lockdown dahil sa mga residenteng nag positibo sa COVID-19

BICOL—Nakasailalim ngayon sa Enhanced Community Quaratine ang Barangay ng Bacak sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang residente nito.

Ang naturang lockdown ay magtatagal ng dalawang linggo upang mabigyang daan ang pagsasagawa ng contact tracing at disinfection sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, inihayag ni DOH-Catanduanes Provincial Health Officer Dr. Robert John Aquino na tatlo ang kasalukuyang kumpirmadong kaso ng sakit sa nasabing bayan kung saan ang dalawa nito ay mula sa Brgy. Bacak habang ang isa naman ay naitala sa barangay Sta. Teresa.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Patuloy pa rin ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nag positibong indibidwal habang naghihintay na ring isailalim sa swab testing ang mga natukoy na closed contacts ng dalawang nag positibong pasyente.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bunsod ng ipinatupad na lockdown, magiging limitado muna ang galaw ng mga residente sa nasabing barangay at tanging ang mga essential at emergency activities lamang ang pinahihintulutan.

Nangako naman ang LGU-Bagamanoc ng suporta sa mga apektadong residente tulad ng pagbibigay ng food packs at iba pang pangangailangan ng mga ito.###

Photo Courtesy: RS News