Cassandra Li Ong at kapatid ni Alice Guo na si Sheila – pabalik na ng bansa mula Indonesia

Pabalik na ng bansa ang kapatid ni dismissed mayor Alice Guo na si Sheila Guo, at si Cassandra Li Ong na kinokonekta sa Lucky South 99.

Ngayong hapon, inaasahan ang paglapag nila sa NAIA sakay ang PAL flight PR540.

Sabi ni Senate President Chiz Escudero – nakausap niya na ang kanilang Secretary General at Sgt. at Arms para makipag-coordinate sila sa Bureau of Immigration.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ito ay para kaagad na haian ng warrant of arrest si Sheila Guo na made-detain naman sa Senado.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ng QuadCom ng Kamara sa kanilang Sgt. at Arms na isailalim sa kanilang kustodiya si Ong.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kung maaalala kasi, una na silang nag-cite-in-contempt laban kay Ong.

Umaasa naman si House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez makaabot sa ginagawang pagdinig ng QuadComm si Ong.