Akusasyon vs Du30, ‘demolition job’ lang – Atty. Sal

Idiniin ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na isa lamang demolition job ang pagdawit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatay noong 2016 sa loob ng Davao Penal Colony sa 3 Chinese national na diumano’y mga drug lord.

Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na ginagamit umano ng mga kalaban ni Duterte ang mga 2 suspek para iugnay ito sa pagpatay sa 3 Chinese.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag pa ni Panelo, wala ng mawawala sa mga suspek dahil habang buhay na silang nakakulong.

Ginawa lamang raw ng mga ito ang pahayag para sa konsiderasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Giit pa ni Panelo, kung tunay na pinatay ng inmates ang 3 Chinese kapalit ng pera at paglaya ay kinakailangan rin ng mga ito na magsinungaling tungkol sa kaugnayan ng dating Presidente sa pagpatay para sa pera at kalayaan mula sa mga gustong sirain ang mga Duterte.