PAOCC – pinasilip ang mga larawan ng umano’y pagpuslit ni Guo mula Malaysia

Ipinasilip naman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC ang mga larawan ni dismissed mayor Alice Guo sa Malaysia.

Sabi ni PAOCC cihef Usec. Gilbert Cruz – kuha raw ito ng July 21 sa isang airpot sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia, bago pumunta ng Singapore.

Read More:  Ombudsman files plunder complaint vs. Romualdez, Co

Sa naturang larawan, mayroon ding isa pang kasamang babae si Guo, na pinaniniwalaan ng PAOCC na si Cassandra Li Ong.

Kung totoo ito – taliwas ‘yan sa mga naging pahayag ng mga abugado ni Guo na nasa Pilipinas pa siya sa mga nagdaang araw lalo na’t nakapag-panotaryo pa ito ng kaniyang counter-affidavit.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, kinumpirma ni PAOCC spokesperson Winston Casio na nag-file na sila ng opposition para sa counter-affidavit ng kampo ni Guo.