Casimero – sinuspende ng isang taon sa Japan Boxing Commission

Sinuspinde ng Japan Boxing Commission ng isang taon si dating three-division champion John Riel Casimero.

Ito’y matapos magkaroon siya ng problema sa timbang sa kaniyang 10 round kontra kay Sael Sanchez sa 122-pound super bantamweight limit.

Base sa ipinadalang liham ng JBC, overweight si Casimero sa laban kay Sanchez na siya umanong sinusunod na alituntunin ng pamunuan.

Mababatid na tiwala ang kampo ni Casimero na kahit na overweight sila sa timbang ay tinitignan naman sa laban ang isang 10-round non-title match.