Labubu craze trending online

Hindi lang Gen Z at Gen Z Alpha maging ang sikat na mga artista at mga Tita nahumaling na sa Labubu.

Ilan sa mga sikat na nahumaling dito ay sina Heart Evangelista, Marian Rivera at Vice Ganda. May ilang nagsasabi na umuso ang nasabing pop toys matapos i-flex ni Blackpink member Lisa.

Ang Labubu ay isang cartoon character na hango sa mga Nordic fairy tales kagaya ng mga duwende, fairies, at halimaw.