Carmina Villarroel – hindi na raw nag o-overthink sa mga pambabatikos sa kaniya

Move on na at hindi na iniisip pa ng Aktress na si Carmina Villarroel ang mga pambabatikos sa kaniya ng mga netizens matapos na maugnay siya sa hiwalayan ng anak na si Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Nagsimula ang pambabatikos kay Villarroel dahil sa diumano’y cryptic post niya noong kasagsagan ng breakup ng young couple.

Depensa ng aktress, wala siyang pinatatamaan sa kaniyang mga post at hindi rin aniya siya ganun klaseng tao.

Giit pa niya “I have no time for this. Para sa akin, do not overthink.”