Cash assistance mula sa AICS ng DSWD, natanggap na ng mga estudyante sa Catanduanes State University

BNFM BICOL—Natanggap na ng unang batch ng mg estudyante sa Catanduanes State University na benepisyaryo ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS ang kanilang cash assistance mula sa DSWD.

Ayon kay CatSU President Dr. Patrick Allain Azanza, halagang P3,500 ang natanggap ng bawat estudyante ng unibersidad na kwalipikadong maging benepisyaryo ng naturang programa.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Dagdag pa ng opisyal, ang master lists ng mga beneficiaries ay galing sa Office of the Student Services na sila rin umanong naghanda at nagsagawa ng screening para sa mga karapat-dapat mabigyan ng ayuda.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Samantala, ipagpapatuloy naman ng DSWD ngayong darating na December 13, 14 at 15 ang pay out o pamamahagi ng naturang cash assistance sa iba pang mga mag-aaral na mapapabilang sa mga benepisyaryo ng naturang programa.###