Case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol, nasa 3.68% na

BNFM BICOL—Nasa 3.68% na ang fatality rate ng COVID-19 sa Bicol region makaraang maitala ang 2,167 na death toll ng sakit sa unang linggo ng Marso.

Mula sa naturang bilang, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang may pinakamataas na fatalities na umabot sa 512; sinusundan ito ng Sorsogon na may 472; may 465 ang lalawigan ng Albay; sumunod ang Naga City na may 224; may 206 ang Camarines Norte; nasa 116 naman sa Catanduanes; 93 sa Legazpi City habang pinakamababa naman ang death toll sa Masbate na may 74.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kaugnay nito, hindi na rin tumataas sa mahigit sampo ang mga naitatalang pagkasawi sa rehiyon bunsod na rin ng mababang kaso nitong mga nakalipas na linggo.###