Naungusan na ni Carmelo Anthony si Moses Malone sa NBA scoring list.
Nagtala ng kasaysayan si Melo sa pamamagitan ng kanyang 3-point shot sa ikatlong quarter ng laban sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Memphis Grizzlies.
Naiposte ni Anthony ang kabuoang 28 points sa naturang laro dahilan para makuha nito ang career 27,423 points at malampasan si Malone na mayroong 27,409 career points.

Nanatili naman si Kareem Abdul Jabbar bilang top 1 ng scoring list ng NBA sa kanyang 38,387 points sinundan ni Utah Jazz legend Karl Malone na may 36, 928 points, pangatlo si Lebro James na may 35, 445.
Samantala maswerte din ang historic night ni Melo dahil nakuha ng Lakers ang unang panalo nito sa 2021-2022 NBA season.