Pagsilbi ng arrest warrant nauwi sa bakbakan, 5 hinihinalang NPA, patay

SORSOGON CITY – Nauwi sa bakbakan na ikinasawi ng 5 hinihinalang rebelde ang pagsisislbi sana ng warrant of arrest ng pinagsanib na puwersa ng pulis at military sa Brgy Bugtong sa bayan ng Mandaon, Masbate.

Nangyari ang bakbakan 5:30 ng umaga, araw ng Linggo, Oktubre 24 nitong taon.

Batay sa ulat, limang hinihinalang rebeldeng NPA ang nasawi matapos ang 30 minutong palitan ng putok. Wala namang naitalang nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Isisilbi sana ang arrest warrant sa akusadong si Eddie o Arnold Rosero alias Ka Star, platun lider ng Larangan 1, Komite Probinsyal4 ng Bicol Regional Party Committee at iba pa nitong kasamahan. Ang mga akusado ay nahaharap sa patong-patong na kaso na kinabibilangan ng murder, attempted murder at mga krimeng may kaugnayan sa paglabag sa international humanitarian law o IHL, genocide at iba pang krimen na labag sa karapatang pantao.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Narekober ng tropa ng pamahalaan sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong M16, isang M14 rifle, dalawang kalibre 45 na pistola, magazine at mga basyo ng bala para sa M16 at M14 rifles, IED, detonating cord, bandolier, backpacks, listahan ng offensive operations laban sa mga kawani ng gobyerno at vital installations at mga subersibong dokumentos.

Sa pahayag sa Brigada News ng 2nd Infantry Battalion, biniberipika pa nila ang pagkakilanlan ng mga nasawi.