Carlos, inaming susunduin sana siya ng bumagsak na PNP chopper

Inamin ni PNP chief Police General Dionardo Carlos, na ang PNP helicopter na bumagsak sa Quezon province ay papunta sana para magsundo sa kanya mula sa kanyang “private time” kasama ang pamilya sa Balesin island, matapos na ang kanyang pre-arranged private transport ay hindi naging available.

Kaugnay nito, labis naman ang pagsisisi ni Carlos kaugnay sa chopper crash, na nagresulta sa pagkakasawi ng isang pulis at pagkasugay ng dalawang iba pa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Paliwanag ng PNP chief, Linggo ng hapon nang magbiyahe siya papuntang Balesin island para sa kanyang private time at nakatakdang bumalik Lunes ng umaga sa pamamagitan ng private transport.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Pero sa gitna nito, inabisuhan umano siyang naturang private transport ay magiging available lang ng Lunes ng gabi, dahilan para humiling siya ng admin flight na magdadala sa kanya sa Camp Crame.

Giit ni Carlos, ang flight directive ay pinayagan naman at inisyu kasunod ng PNP rules and regulations. //MHEL PACIA-TRINIDAD