‘Car-free Sundays’ sa Roxas Boulevard – magsisimula na bukas

Simula bukas ay maguumpisa na ang ‘Car-free Sundays’ sa Maynila, ‘o ‘yung pagbabawal sa mga sasakyan sa northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard.

Epektibo ito sa may bahagi ng Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue, mula alas-singko hanggang alas-nuwebe ng umaga.

Una nang nagpalabas ang Manila Traffic and Parking Bureau ng mga alternatibong mga ruta para sa mga kailangang dumaan sa Roxas Boulevard.

Kabilang na rito ang mga maaaring ikutan sa bahagi ng Kalaw Ave., MH Del Pilar, Mabini, at Maria Orosa.

Matatandaaang bago ang Car-free Sundays sa Maynila, una na ring nagpatupad ng kahalintulad na polisiya ang ilang kalsada sa Metro Manila gaya sa Pasig at sa Makati.

Layunin nitong mahikayat ang mga outdoor activities, gaya ng pagbibisikleta, jogging, at iba pa.

Maaalalang bago pa man ang ganitong polisiya – pangkaraniwan nang ipinasasara ang Roxas Boulevard sa t’wing mayroong mga fun run activities na pumapatak sa araw ng Linggo. (Flickr)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *