Dating PNP chief Albayalde – ‘di nangangamba sa ICC investigation

Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa mga naging operasyon nito noon sa PNP.

Ito ay kaugnay ng umano’y imbestigasyon ng ICC sa mga dating miyembro ng ahensya dahil sa anti-drug campaign ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Albayalde, lahat ng kanilang naging operasyon ay ‘aboveboard.’

Palagay din umano niya na hindi magtutuloy-tuloy ang imbestigasyon ng ICC hinggil sa madugong war on drugs.

Paulit-ulit na rin daw kasing sinasabi ni Pangulong Bongbong Marcos na walang jurisdiction sa Pilipinas ang international courts dahil may sariling justice system ang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *