Aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes nananatili sa single digit sa halos 50 kabuuang kaso

CAMARINES NORTE- Nananatili sa “single digit” ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes Camarines Norte as of July 6, 2021.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO) mayroon nang 49 na kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan at sa bilang na ito ay 7 ang aktibong kaso.

Sa 26 na barangay, nangunguna ang San Roque sa may pinakamaraming kaso na may 16.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nakapagtala naman ng siyam  na kaso ang Barangay 3, may tig apat sa Barangay 2 at 6 habang tatlo naman sa Manguisoc.

May tig- dalawang kaso ang Del Rosario, Barangay 1, Gaboc, Hinipaan at Tarum habang tig- iisa naman sa Barangay 7, Quinapagian, at Colasi.

Labing tatlong barangay naman ang nananatiling COVID- 19 free.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Pito ang naitalang nasawi habang 35 ang gumaling.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Lokal na Pamahalaan na sundin ang health protocols para makaiwas sa COVID- 19.