Camarines Sur, tanging probinsya sa Bicol na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL—Tanging anim na bagong kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bicol kahapon batay sa COVID-19 report ng Department o Health.

Ang mga naitalang bagong kaso ng sakit ay pare-parehong nagmula sa lalawigan ng Camarines Sur kung apat sa mga ito ang nairehistro sa bayan ng Pili habang ang dalawa naman ay mula sa bayan ng Ragay at Cabusao.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Wala namang mga naidagdag na bagong kaso ng sakit sa limang natitirang probinsya sa rehiyon kung kaya’t sa kasalukuyan ay nasa 4,106 na lamang ang aktibong kaso ng sakit sa Bicol mula sa 58,918 na mga naitalang kumpirmadong kaso.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Umabot naman sa 48 ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 52,662 na ang kabuuang recoveries habang lima naman ang panibagong mga nasawi dahilan upang pumalo na sa 2,150 ang COVID-19 death toll sa rehiyon.###