PNP-Bicol, mariing kinondena ang nangyaring pamamaril ng mga rebeldeng grupo sa kampo ng 504th maneuver company sa Sorsogon

BNFM BICOL—Mariing kinondena ng PNP-Bicol ang nangyaring pag atake ng New People’s Army sa kampo ng 504th Maneuver Company sa lalawigan ng Sorsogon nitong Lunes, na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat naman ng isa pa.

Sa inilabas na pahayag ng PRO 5, mariin umanong kinokondena  ng buong hanay ng kapulisan sa rehiyon ang katrayduran at karumal-dumal na pamamaslang ng mga rebeldeng grupo sa kanilang kabaro na si PCpl. Ryan M. Atos.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon pa sa PNP, ang nangyaring insidente ay malinaw na pagyurak sa karapatan ng publiko na mabuhay ng payapa lalo na ang pagkitil sa buhay ng isang tapat na lingkod bayan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP-Bicol sa naulilang pamilya ni Atos, at nangakong sisiguruhin ang pagkilos upang mabigyan ito ng hustisya.

Matatandaang inabot ng halos 15 minuto ang palitan ng putok ng mga rebeldeng grupo at tropa ng gobyerno nitong gabi ng Lunes sa Brgy. Esperanza bayan ng Pilar.###