BNFM BICOL—Kinumpirma ni DepEd-Bicol Regional Director- Gilbert Sadsad, na nasa 986 na mga public schools at 43 mga private schools na sa rehiyon ang pinahihintulutan magsagawa ng ‘expanded limited face to face classes.
Ayon kay Sadsad, ang mga naturang paaralan ang nakapasa sa School Safety Assessment Test o SSAT at nakapag comply sa Interim Guidelines para sa implementasyon ng limitadong face to face classes na ikinasa mismo ng ahensya.
Kaugnay nito, muling ipinaalala ni Sadsad sa mga paaralan, na kaakibat ng pagpapahintulot sa mga itong magsagawa ng face to face classes ang mahigpit pa ring pagpapatupad ng mga minimum public health standards; pagkakaroon ng written consent mula sa mga magulang ng mga estudyanteng lalahok sa klase at ang koordinasyon mula sa mga respetibong barangay na nakakasakop sa paaralan.
Batay sa pinaka latest na datus ng ahensya, ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakaraming paaralan na lalahok sa limited face to face classes na umabot sa 366.###