Camarines Sur National Highschool, ipinaliwanag kung bakit virtual pa rin ang graduation

NAGA CITY- Kaliwa’t-kanan ang in person recognition at graduation saan man sa bansa pero sa Camarines Sur National High School sa Naga virtual pa rin.

Ipinaliwanag ni Principal Dr. Sulpicio Alferez III na ang Department of Education ay nagbigay ng pagpipilian sa nasabing okasyon, ginusto naman talaga ng marami ang face-to-face pero hindi aniya masusunod ng CamHigh ang mga guidelines ng kagawaran at ng Interagency Task Force sa distancing, dapat isang metro ang layo sa isa’t-isa.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Sinabi pa ni Alferez sa Brigada News FM Naga, hindi kakayanin dahil sa Grade 10 ang ang momoving up ay 2, 059 habang ang magtatapos sa Grade 12 o Senior High School ay  1, 643. Hindi kakayanin ng venue lalo na kung isasama pa ang mga magulang, hindi rin aniya maaaring iba-ibang araw.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Susubukan din sana nag hybrid kaso nga lang kahit may mga pumayag na mag virtual hindi pa rin kakayanin kung marami ang bilang ng nais ang face-to-face.

Ngayon araw gaganapin ang Recognition Rites , Moving Up Ceremony sa Hulyo 14 habang sa Hulyo 15 ang graduation.

Bago ito kinunsulta naman ang mga magulang at ito nga ang napagkasunduan.