Mataas na kalibre ng baril at kagamitan ng terorista, narekober sa Puerto Princesa

Ipinagmalaki ng Puerto Princesa City Police ang matagumpay na pagkaka-rekober sa mga mataas na kalibre ng armas at kagamitan ng komunistang grupo sa ilalim ng Bienvenido Valleber Command sa Palawan.

Ito ay resulta ng masigasig na Internal Security Operations ng kapulisan sa lungsod sa pangunguna ni PCOL ROBERTO M BUCAD sa tulong mamamayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nitong Martes, July 12, 2022 sa Barangay Tagabinet, Puerto Princesa City ay iniulat ng PPCPO narekober ng awtoridad ang mga armas at gamit pandigma ng terorista.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga narekober ay isang unit ng Bushmaster Caliber 223-5.56MM (MOD. XM15-E2S with Magazine); 12 pcs. live ammunitions o mga bala ng M16; walong ( 8 ) piraso ng NPA sweat shirts; pitong ( 7 ) pantalon; limang( 5 ) piraso ng sumbrero; tatlong panyo; at dalawang printer.