Harap ng isang mall sa Puerto Princesa, nagmistulang camping site

Nagmistulang camping site ang harap ng Robinson’s Place Palawan sa dami ng mga nais mapaagang makapag-parehistro sa COMELEC.

Ang iba sa kanila ay may dala pang sanggol o bata na hindi raw pwedeng iwan dahil walang magbabantay.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Mayroon din ang tiniis na lang ang lamig dahil walang dalang tent kundi banig.

Samantala, may ilan din sa kanila ang nagpabalik-balik na upang muling pumila matapos silang masingitan sa pila at hindi ma-rehistro.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Una nang sinabi ni Atty. Julius Cuevas ng City Comelec na ikonokonsidera nila ang bilang ng tauhan, equipment at kontrata sa oras sa mall kaya hindi pa maaari ngayon makapag-sagawa ng satellite registration sa mga barangay.